Adios Dapitan o Ang Paglisan sa Dapitan:
Isang buwan matapos makaalis ni Pio Valenzuela sa Dapitan, si Rizal, matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay nakatanggap ng liham mula kay Gobernador-Heneral Ramon Blanco na ipinapaalam ang pag-apruba sa kanyang alok na magsilbi bilang doctor sa Cuba. At mula doon ang ministro ng digmaan ay itatalaga siya sa Medical Corp. ng Army Operations sa Cuba.
Buwan ng Hulyo 31, 1896 ang pagpapatapon kay Rizal ng apat na taon at labintatlong araw ay kanselado na. Halos lahat ng tao sa Dapitan ay nagpunta sa baybayin upang magpaalam sa kanya. 5:30 ng hapon si Rizal kasama sina Josephine, Narcisa, Angelica, Mr. Mrs. Sunico, tatlong pamangkin at anim na mag-aaral ay sumakay ng bapor Espanya. Ang bapor ay naglayag ng hating gabi para sa Dumaguete.
Sa Dumaguete, si Rizal at Kapitan Carnicero ay pumunta kay Gobernador Regal upang magbigay respeto. Matapos bumisita sa gobernador ng probinsiya ay nagtungo sila kay Mr. Herrero Regidor, hukom ng probinsiya at dating kaklase ni Rizal sa Ateneo. Pumunta rin sila sa Kapitan ng mga Guardia Sibil na kung saan ay napag-alaman ni Rizal na nagdurusa sa “conjunctivitis granulosa”, sakit sa mata at pagkatanghali ay inoperahan niya ang mata ng kapitan. Alas-diyes ng gabi nang maglayag silang muli patungong Cebu.
Sa Cebu, habang padaong pa lamang ang bapor ay napansin ni Rizal ang dami ng tao sa pier. Kalaunan ay nalaman niya na nagpunta roon ang mga tao upang magpagamot at makita siya. Makaraan ang ilang oras, si Rizal at Carnicero ay binisita nila Dr. Riobo, sikat na doktor na nasa Cebu upang makipagkita sa isang pasyente. Sa bahay ng isang abogado na si Attorney Mateos kung saan makikita ang doktor ay nakita niya ang matandang mag-asawa na nakilala niya sa Madrid. Mula sa bahay ng abogado ay nagpunta sila sa Gobernador ng Cebu upang magbigay respeto. Katanghalian, ay marami pa rin taong pumupunta kay Rizal para sa konsultasyon at magpagamot. Nagsagawa rin siya ng dalawang operasyon para sa “estrabotomia”, operasyon sa tainga upang tanggalin ang tumor.
Sa Iloilo, naglibot muna siya sa buong bayan at nagpunta sa chief executive ng bayan upang magbigay respeto. Paglaon ay umalis siya upang makita ang simbahan ng bayan sa Molo. Hatinggabi ng magpatuloy lumayag ang bapor papuntang Romblon at dumaan sa daungan ng Capiz. Agosto 6, 1896, ng makarating ang bapor sa Manila Bay.
Pagdating nila Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barko, Isla de Luzon, na dapat sanang magdadala sa Espanya ay nakaalis na bago pa sila makarating. Napilitin siyang maghintay ng isang buwan upang makasakay muli sa isang bapor, Isla de Panay. Sinalubong sila ni Mr. Sanz, tenyente ng mga beteranong guardia, na ipinadala ng gobernador-heneral upang malaman ang kanyang pagdating at magbabantay sa kanya hanggang sa mga susunod na utos. Pagkatapos ay dumating ang kumander ng Veteran Guard kasama ng tenyente upang ipaalam sa kanya na si Mr. Sanz ay mananatili upang samahan siya at 7:30 ng gabi ay dadalin siya sa opisina ng kumander, at matapos yon ay pwede na siyang umuwi.
Hindi dumating ang magsusundo kay Rizal ng 7:30 ng gabi pero pagdating ng 10:15 ay dumating sila at sinabing nagbago ang isip ng kumander at inutusan siya na ilipat sa Castilla, kastilang cruiser. Dismayado si Rizal dahil inalisan siya ng karapatan upang mabisita ang kanyang mga magulang. Anung magagawa ni Rizal kundi sumunod sa utos.
Kahit na gabing-gabi ay sinakay si Rizal sa lantsa, Holdfast, na dinala sila sa isang gun-boat, Otalora patungong Cavite. Malapit sa daungan ay ang cruiser na Castilla. Sa loob ng cruiser ay dinala si Rizal sa opisina ni Koronel Enrique Santalo, kapitan ng barko. Pinakiusapan siyang maupo at sinabing sa utos ng gobernador-heneral na siya ay inaaresto, pero hindi bilang bilanggo, upang maiwasan ang mga kaguluhan mula sa mga kaibigan at kaaway.
Dahil sa sunud-sunod na problema sa Maynila at sa labas ng bayan ay naging balisa si Rizal. Siya ay tiyak na problemado. Siya ay nakikisimpatya sa mga pinaglalaban ng mga katipunero pero may pumipigil sa kanya. Minsan nasabi niya sa kanyang kaibigan na si Alejandrino ng Brussels na: “I will never head a disorderly revolution that has no probabilityof success, because i do not want to load my conscience with the imprudent and futile shedding of blood; but he who wishes to head a revolution in the Philippines will find me at his side.” (Ito marahil ang gumugulo sa kanyang isipan dahil na rin sa pagtanggi niya na makilahok sa rebolusyon na nais nila Bonifacio.)
Pero bakit siya aalis patungong Cuba? Eto na ang pagkakataon na lumaban para at kasama ng kanyang mga kababayan. Hindi, hindi niya maaaring gawin ito, hindi ngayon dahil nagbigay siya ng salita sa mga awtoridad. Nasabi niya ang mga katagang: “The glory of saving a country is not for him who contributed to its ruins.. Hate never produces anything but monsters and crime, criminals! Love alone realizes wonderful works, virtue sacrifice and sacrifice love.” Gayunman, natatakot siya na hindi pa handa ang mga tao at ang rebolusyon sa mga panahong iyon ay ganap na mabibigo. Ito ay tiyak na magiging kasawian sa mga hindi mabibilang na inosenteng tao. At nasabi niya “Why independence nowif the slaves of today will be the tyrants of tomorrow? And that they will be such is not to be doubted, for he who submits to tyranny loves it.”
Bago ilipat sa Isla de Panay si Rizal ay sumulat muna siya sa kanyang ina at ipinaalam niya ang kanyang kondisyon at kung gaano kabuti ang pagtrato sa kanya ni Koronel Santalo. Para mawala ang pag-aalala ng kanyang ina ay sinabi niya na huwag itong mag-alala sa kahit na anong bagay, at sila ay na sa mabuting kamay ng banal na kalooban ng Diyos. Huwag itong mag-alala sa kanyang kapalaran dahil tutulungan at gagabayan siya ng Diyos. Sinabi niya din na ang tanging pag-aalala niya ay ang kalagayan ng mga magulang dahil sa edad ng mga ito.
Agosto 30, 1896, nakatanggap si Rizal ng sulat mula sa gobernador-heneral na naglalakip ng dalawang rekomendasyon na pabor kay Rizal, ang isa ay para sa Ministro ng Digmaan at ang isa ay para sa Ministro ng Ibang bansa. Nilalaman ng sulat ang pagpapatunay ni Gobernador-Heneral Blanco na walang kinalaman si Rizal sa kahit na anong kaguluhan sa Pilipinas.
Mga pagtatangkang pagligtas kay Rizal. Sa panahong ito ay desperado na ang mga katipunero. At nang ilipat si Rizal sa Isla de Panay, isang pangahas na pagtatangka ang ginawa nina Andres Bonifacio, Emillo Jacinto, Guillermo Masangkay at marami pang ibang kasapi ang nagbalatkayo bilang stevedores na lulan ng, Caridad, kung saan ay ginamit upang ilipat si Rizal sa barko. Ang paguusap ni Rizal at Jacinto:
Jacinto (nagpapanggap na naglilimpaso ng sahig ay bumulong kay Rizal): Kung hawak ka nila bilang bilanggo ay papalayain ka namin—dahil kami ay armado.
Rizal (nagulat dahil akala niya ay hindi na siya maaabot ng mga katipunero): Huwag kayo gagawa ng kahit na ano. Hayaan niyo ako ang umayos nito, dahil alam ko kung ano ang kailangang gawin. Setyembre 30, 1896 ng umallis ang barko sa Canacao, Cavite patungong Maynila
Cry of Pugad Lawin. Samantala, ang mga katipunero ay nagbigay takot sa mga Espanyol na naninirahan sa Maynila at sa ibang bayan. Noong Agosto 23, 1896, ay pinabatid nila ang pagsalungat sa mga awtoridad na Espanyol sa isang pagtitipon na ginanap sa Pugad Lawin, hilagang-kanluran ng Maynila. Ilang araw ang nakalipas, isang masidhi at marahas na labanan sa pagitan ng mga katipunero at hukbo ng Espanya ang naganap sa Pinaglabanan, San Juan, Rizal. Ganap na alas-tres ng hapon ng Agosto 30, na ang gobernador-heneral ay nagproklama ng martial law (batas militar) sa Maynila, Pampanga, Batangas, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna at Tarlac.
Paglalakbay patungong Espanya. Isang araw ang nakalipas ng lumayag ang Isla de Panay mula Maynila, napagtanto ni Rizal na nag-aatubili lumapit sa kanya ang mga kasama niyang pasahero. May isang Aragonese na estudyante na papunta rin nang Madrid ang kanyang nakausap sinabi niya sa akin na mahigit 600 Pilipino na ang nabaril sa utos ng pinuno ng mga kastila.
Martes, Setyembre 8, 1896 nang dumaong ang barko sa Singapore. Niyaya siya ng mga Roxas at Camus na bumaba pero nagmatigas si Rizal. Binigay niya ang kanyang salita sa mga awtoridad at tiwala siya na ang rekomendasyon ng gobernador-heneral ay sapat na para mawala na ang mga alinlangan at takot tungkol sa kanyang pag-uugali.
Umalis rin agad ang barko at tumungo sa Colombo ng Linggo, Setyembre 13, 1896. At tumuloy ng Aden ng sumunod na araw. Seyembre 29, 1896 nang makatanggap si Rizal ng sulat mula kay A. Alemany, kapitan ng barko na inuutusan siyang manatili lamang sa kanyang kamarote. Sabado, Setyembre 3, 1896, dumaong ang barko sa Barcelona at isinailalim si Rizal sa maingat na paningin ng tatlong pares na guardia sibil at pagkalipas ng tatlong araw siya ay inatasang mag-martsa patungong Fort Monjuich at ikinulong siya rito sa selda bilang labing-isa.
Nang nagkita si Rizal at Heneral Despujol at ipinaliwanag nito ang katayuan ni Rizal. Ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap ito ng telegrama mula Madrid na nag-uutos na isakay si Rizal sa barko bilang bilanggo. Isinakay si Rizal sa S.S. Colon na umalis rin patungong Maynila. Hindi siya maaring lumabas maging makipag-usap sa iba. Napag-alaman niya mula sa isa sa mga opisyal na ilang dyaryo sa Madrid ang nagsasabing siya ang responsable sa mga kaguluhan sa Pilipinas.Nagulat si Rizal ng nalaman niya ang mga ito.
Nang makadaong ang barko sa Port Said noong Linggo, Oktubre 11, si Rizal ay muling nadawit sa isang kahihiyan. Mula ng umalis ang barko sa Espanya ay nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay, kinuha lahat ng kanyang mga papeles at talaarawan, ibinalik lamang ito noong Nobyembre 2, 1896. Ikinukulong nila si Rizal bago sila makarating ng pampang, ginagawa nila ito sa tuwing dumadaong sila, inilalabas na lamang nila siya kapag naglalayag na sila.
Ligal na pagtatangkang pagligtas kay Rizal. Habang bilanggo si Rizal sa S.S. Colon ay naalarma ang kanyang mga kaibigan sa Europa. Kumuha sila ng abogado na magsasampa ng kasong writ of habeas corpuz sa Singapore dahil doon dadaong ang barko, Colon, hindi pinahihintulutan noon ang pagkulong ng walang utos na nagmumula sa husgado. Noong Oktubre 29,1896, ang mga abogado ni Rizal na sina Mr. Fort at Mr. Charles Burton Buckley ay nag-apply ng writ of habeas corpus sa Supreme Court ng Strait Settlement of Singapore. Sinagot ni Lionel Cox ang aplikasyon nila at sinabing dahil daw ang Colon ay isang barkong pandigma ng ibang bansa at nilalaman ang hukbong pandigma ng Espanya kaya hindi nila tinatanggap ang kanilang aplikasyon.
Nobyembre 3, nakarating ang S.S. Colon ng Maynila. Agad nilang dinala si Rizal sa Fort Santiago upang muling ikulong sa ikalawang pagkakataon.
Pagsiklab ng giyera sa Pilipinas. Nabahala ang mga Espanyol dahil sa pagdami ng mga nawawala at namamatay gawa ng hukbo ng Pilipino. Sa Cabanatuan, Nueva Ecija, ay dinakip ang mga gobernador at ang mga trabahador nito. Ang tagumpay ng mga pilipino sa ilalim ni Heneral Aguinaldo ng Cavite ay naging banta kay Gobernador-Heneral Blanco. Noong Nobyembre 10, isang pag-atake ang naganap sa lungsod ng Noveleta, kung saan ang hukbo ng Pilipino ay nagdusa sa dami ng namatay sa mga kasapi nito.
Ang bagumbayan ang naging lugar kung saan mayroon laging patayan. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay inaresto at pinahirapan ng ilang araw na may mga turnilyo sa pagitan ng mga daliri ng kanyang kaliwang kamay habang may bolpen naman ang kanan upang pirmahan ang dokumentong nagsasaad na konektado siya sa Katipunan, pero wala siyang kahit na anong pinirmahan. Dito napatunayan kung gaano katatapang ang pamilya Rizal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento